Iran, unang hadlang sa RP sa FIBA-Asia ngayon

Ni Ramil Cruz

Uumpisahan ng San Miguel Corporation-Team Pilipinas ang halos mission impossible na kampanya sa 24th FIBA (International Basketball Federation)-Asia Championship for Men sa pagsalubong sa hamon ng Iran ngayong alas-sais ng gabi sa Tokushima, Japan.

Bagama’t may ulat habang isinusulat ang balitang ito, na nagpupulong pa ang SMC-RP officials para sa final 12 players na bubuo sa Pinoy squad, lumutang na ilang linggo pa na magiging turista lang sa Land of the Rising Sun sina Ren-Ren Ritualo at Ranidel de Ocampo ng Air21 at Tony dela Cruz ng Alaska Milk.

Sinasabing mababatid lang ang last 12 players ng bansa bago mag-buzzer sa game nito sa Iranians matapos ang pagtutuos ng Jordan at defending champion China sa alas-11:15 ng umaga.

Ayon kahapon kay Philippine Basketball Association media bureau head Willie Marcial, nasa closed-door meeting umano hanggang presstime sina national coach Chot Reyes, team manager Robert Non at PBA commissioner Noli Eala. At ang anunsyo ay ihahayag lang bago ang game.

Subalit may lumutang na rin sa hiwalay na e-mail sa Abante TONITE na galing sa pro league, na ang huling 12 maglalaro sa torneong ito ay sina Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand at Eric Menk ng Barangay Ginebra San Miguel, Danny Seigle at Dondon Hontiveros ng San Miguel Beer, Kerby Raymundo ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs, Mick Pennisi ng Red Bull, Asi Taulava, Jimmy Alapag at Ritualo ng Talk ‘N Text, Kelly Williams ng Sta. Lucia Realty at Gabe Norwood.Kasama nina De Ocampo at Dela Cruz na magmimiron lang sa Tokushima si James Yap.

Dinaig na ng Nationals ang Iranians sa nakalipas na buwang Jones Cup sa Taiwan, 89-79, ngunit nananatiling peligroso ang mga Arabo dahil sa malaking iniasenso rin nito sa laro, kagaya ng makakatuos sa Lunes na Jordan. Ang Chinese ang nakahambalang muna sa mga Pinoy na makakatuos nito bukas.

Ang pagtikim ng Pinoy quintet ng European basketball noong Hunyo ang humikayat kay Reyes na palakasin pa ang line-up sa pagdagdag kina Menk sa center, Williams sa wing at Yap sa shooting. Subalit malakas na karibal ng huli si Ritualo, na napatunayan lalo sa huling mga laban ng team.

Kailangang makadalawang panalo ang RP 5 sa Group A preliminary round na tinuran ni Reyes na ‘Group of Death’ upang gumanda ang tsansang makasulong sa quarterfinals.

Hinahangad ng tropa na maghari rito o tumapos na segunda sakaling ang mga Intsik ang mamayagpag upang mag-qualify sa 2008 Beijing Olympics sa unang pagkakataon sa loob ng 35.

Ika-24 na stint na ito ng RP sa FIBA-Asia na dating kilalang Asian Basketball Confederation Men’s Championship kung saan ang golden performances ay noong 1960 sa bansa, 1963 sa Taipei, 1967 sa South Korea, 1973 sa ‘Pinas uli at 1985 sa Malaysia. Nag-silver tayo noong 1965 sa Malaysia at 1971 sa Japan habang bronze noong 1969 sa Thailand.

Ang record naman ng mga Pinoy sa Olympics ay panlima sa 1936 Berlin sa apat na panalo at isang talo, 12th noong 1948 London sa 4-4 win-loss mark, katabla sa pangsiyam noong 1952 Helsinki sa 3-2, pampito noong 1956 Melbourne sa 4-4, ika-11 sa 1960 Rome sa 4-4 at 13th place sa parehong 3-6 sa 1968 Tokyo at 1972 Munich Games.

Huling batch na cage Olympians sina team captain Edgardo Ocampo, William Adornado, Narciso Bernardo, Ricardo Cleofas, Danny Florencio, Jaime Mariano, Rosalio Martinez, Rogelio Melencio, Manny Paner, Adriano Papa Jr., Marte Samson at Freddie Webb. Si Ignacio Ramos ang head coach.

Comments

Popular posts from this blog

Mykiss' Time wasters and funny blogs and websites collections

Circumcision May Not Impact Sexual Sensation