Napakaraming nurse dito sa amin, Ngunit bakit tila walang natira? Nagaabroad sila

Sa tingin mo? Ano ang mali dito sa atin? Bakit wala nang natira? Baka naman ilang years from now, wala nang tao dito sa atin, dahil wala na talagang natira, ayaw na ng mga taong tumira dito... Sana naman hindi na darating ang araw na yan.



Walang Natira lyrics



[Sheng Belmonte]

Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira

Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nag-aabroad sila
(Gusto kong yumaman5x)
Nag-aabroad sila
(Gusto kong yumaman5x)
Nag-aabroad sila

[Gloc-9]
Yung bayang sinilangan ang pangalan ay pinas
Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
Nauubusan ng batas parang inamag na bigas
Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas
Tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas
Sila lamang ang nakikinabang pero tayo ang utas
Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
Para pumunta ng ibang bansa at doon magtamas
Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
Ang pahingay iipunin para magamit paguwi
Dahil doon sa atin mahirap makuha buri
Mapahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti
Ng anak na halos di nakilala ang ama
O ina na wala sa tuwing kaarawan nila
Dadarating kaya ang araw na ito'y magiiba
Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na

[Sheng Belmonte]
Napakaraming inhinyero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming karpintero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nag-aabroad sila
(Gusto kong yumaman5x)
Nag-aabroad sila
(Gusto kong yumaman5x)
Nag-aabroad sila

[Gloc-9]
Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran
Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
Ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
Nasanlaan lahat ng kanilang pag-aari
Mababawi din naman yan ang sabi pagnayari
Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano
O barko kahit saan man papunta.
Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
Ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso
Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino
Kung lilisanin ang pamilya ang amo na kahit na sino
Gugutumin sasaktan malalagay sa piligro
Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo
Darating kaya ang araw na itoy magiiba
Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na

[Sheng Belmonte]
Napakaraming kasambahay dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming labandera dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nag-aabroad sila
(Gusto kong yumaman5x)
Nag-aabroad sila
(Gusto kong yumaman5x)
Nag-aabroad sila

[Gloc-9]
Subukan mong isipin kung gaano kabigat
Ang buhat ng maleta halos hindi mo na maangat
Ihahabilin ang anak para 'to sa kanila
Lalayo upang magalaga ng anak ng iba
Matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo
Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni angelo
Matagal pa kontrato ko titiisin ko muna 'to
Basta ang mahalaga ito'y para sa pamilya ko

[Sheng Belmonte]
Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nag-aabroad sila aahh
(Gusto kong yumaman5x)
Nag-aabroad sila
(Gusto kong yumaman5x)
Napakaraming tama dito sa atin...
Ngunit bakit tila walang natira aahhh...

Comments

Popular posts from this blog

Mykiss' Time wasters and funny blogs and websites collections

Circumcision May Not Impact Sexual Sensation

1001 Books You Have to Read Before You Die